Tula, Kwento, atbp.

Isang Liham Para Sa Iyong Kaarawan

Isang. Liham. Para. Sa. Iyong. Kaarawan.

Friend,

Bebs,

Mamsh,

Loves,
Ang dami kong gustong sabihin

Ang dami kong gustong isulat

Mga bagay na gusto ko sayo

Ayaw ko sayo

Di malilimutan

Mga nakakatawang moments

Mga nakakaiyak

Ang dami kong gustong sabihin

Ang dami kong gustong isulat

Mga specific na date

Specific moment

Most fave place with you

Most fave food natin

Or food na luto mo

Most fave past time

Hobbies

Ang dami kong gustong sabihin

Ang dami kong gustong isulat

Mga paguusap na feeling natin ang talino natin

Mga paguusap na feeling natin tayo lang ang nakakaalam

Mga paguusap na feeling natin tayo lang nagkakaintindihan

Mga paguusap

Simpleng paguusap

Simple

Pero makahulugan

Pero naaappreciate ko pa rin

Yung mga kwentong parang walang kwenta

Mema sabi lang

Ang dami kong gustong sabihin

Ang dami kong gustong isulat

Ang dami kong gustong ipagpasalamat.

Salamat.
Salamat, ha?
Kasi nandyan ka.

Simula nung umpisa

Hanggang sa kung saan pa

Salamat kasi..

Ang dami na niyang kasunod

Sa dami, di ko na alam

Paano pa ibubukod

Basta alam ng puso ko

Na alam ng puso mo

Na nagpapasalamat ako

Sa isang tulad mo

Dahil..

Marami rin itong kasunod.

Dahil kung hindi..

Marahil..

Malamang..

Mga ganyan.

Mga ganyan na para sa iba’y wala lang

Ngunit para sa ati’y

Mga ganya’y walang hangganan

Salamat, ha?

Salamat.

“‘lam mo na ‘yon.”

Gusto ko talagang isa-isahin

Pero di na

Alam na natin.

Friend

Sister

Thank you.

Grabe ka magpagamit kay Lord.

Life-changing.

As in.

Grabe.

Yun palang,

Salamat na. 
Salamat. 
Pero joke.

Ito na ang totoong sulat.

Tanda ko lahat ng pagaaruga mo

Di lang sa pamilya mo

Kundi sa buong angkan niyo

Di lang sa kanila

Kundi pati sa amin

Salamat.

Lahat ng pagod mo

Pagtitimpi

Pagintindi

Pagiyak

Lahat..

“Noted yan, ‘nak!” sabi ni God.

Lahat ng tawa mo

Kwento

Harot

At maging utot mo

Kabisado ko na

Amoy ko na

Kaya…

Pagnagloko ka,

Nako. Bisto ka!

Charot.

Salamat.

Totoo ang sinabi mo

Mahalaga ang mga kamay mo

Sa bawat pasyenteng tinutulungan mo

Sa bawat pagkaing inihahanda mo

Sa bawat higaang inilalatag mo

Sa bawat kapeng tinitimpla mo

Sa bawat tugstak na pinapalo mo

Sa bawat sulat sa pagaaral mo

Sa bawat diin ng masahe mo

Napatunayan ko..

Lahat yan

May puso.

Lalo na ‘to..

Sa bawat kuko sa daliri mo — na sobrang iniingatan mo

Sa bawat pagod

Sa bawat paso

Sugat

Ngalay

Hapdi

Sakit na nararamdaman ng kamay mo

Yan pa rin

Nakaabang

Nakaalalay

Nananatiling magaan

Malambot

At nakaantabay

Grabe. Salamat.

Naalala ko rin ang mga payo mo

Na minsan ay kinokontra ko

Naalala ko rin ang mga jokes mo

Na minsan ay sinasakyan ko

Pero, promise. Nice try.

Na-appreciate ko.

Grabe. Effort.

Salamat.

Sa walang sawa

Walang hanggan mong pagintindi

Pang-unawa’t pagnamahal

Salamat.

Patuloy kang mag-alab

Ma-inlove

Malunod

Lumangoy sa pagmamahal Niya

Katangi-tangi ka

Kahanga-hanga

Maganda ka

Sobrang ganda


Ipinagmamalaki kita
.

“Well done! Good, sweet and loving, sister! I love you so much!”



Nagmamahal,

yong kasangga

Sa hirap at ginhawa 😉

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s